Ang unang impresyon ko kay Sir Jayson ay istrikto at siryoso sa pagtuturo, ngunit ng maging professor ko na sya ay doon ko pa lang siya nakilala ng husto. Sa nagdaang Fili 105 namin at ngayong Fili 110 ay nakilala ko siya bilang isang masiyahin at malapit sa mga estudyante. Madalas ay nagpapatawa siya sa klase upang makuha ang atensyon ng mga estudante at upang making ssa kanya. Marami rin akong mga bagay na natutuhan mula kay Sir Jayson na magiging parte na ng aking buhay. Malungkot ako dahil hindi ko na siya magiging professor at dahil hindi na rin siya magtuturo dito sa CLSU. Sana ay mas mapaumunlad pa niya ang kanyang sarili at maging maganda at maayos ang kanyang lilipatang pamantasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento