Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Para kay Sir Jayson


                Ang unang impresyon ko kay Sir Jayson ay istrikto at siryoso sa pagtuturo, ngunit ng maging professor ko na sya ay doon ko pa lang siya nakilala ng husto. Sa nagdaang Fili 105 namin at ngayong Fili 110 ay nakilala ko siya bilang isang masiyahin at malapit sa mga estudyante. Madalas ay nagpapatawa siya sa klase upang makuha ang atensyon ng mga estudante at upang making ssa kanya. Marami rin akong mga bagay na natutuhan mula kay Sir Jayson na magiging parte na ng aking buhay. Malungkot ako dahil hindi ko na siya magiging professor at dahil hindi na rin siya magtuturo dito sa CLSU. Sana ay mas mapaumunlad pa niya ang kanyang sarili at maging maganda at maayos ang kanyang lilipatang pamantasan.

Ang Aking mga Karanasan sa Filipino 110


                Sa isang buong semester, marami akong naging magagandang karanasan sa Filipino 110 na hindi ko makakalimutan. Naging madali para sa akin ang unang araw dahil kilala ko na ang aming professor. Madalas na masaya ang klase dahil masayahin at madalas magpatawa ang aming professor. Hindi ko rin makakalimutan pag nagkaka-kullitan sa discussion dahil marami kaming kaklaseng magaling magpatawa.Hindi ko rin makakalimutan ung mga pang-aasar at pang titrip ni sir sa aming mga kaklase. Marami rin akong bagong mga natutuhan sa aming na maari kong magamit hanggang sa pagtanda ko  gaya ng paggawa ng isang jornal.

Ang Sining ng Aking Pangalan

Ako'y galing sa simpleng pamilya

Rurok ng tagumpay ang ninanasa

Vulnerable sa pinoproblema

Ibig matupad ang mga pangarap

Nais ang magandang hinaharap